Ang ERICK COCONUT SHELL CRAFT ay pagmamayari ng mag-asawang Erick at Rowena na matatagpuan sa Kalasuyan old Kidapayan North Cotabato.
At base sa kwento ni Rowena, sinimulan nila magnegosyo o magbenta noong kasagsagan ng pandemya taong 2019, dahil sa hirap kumuha ng pangaraw-araw na gastosin.
At ang una nilang produkto ay ang hanging pot, na gawa sa Bao (coconut shell) hanggang sa ilang Pilipinong mamimili sa North Cotabato ay nagustohan ang kanilang mga ibinibenta.
Sa ngayon, gumagawa nadin sila ng iba’t-ibang disenyo ng produktong gawa sa Bao (coconut shell) na mismong si Erick lang ang gumagawa.
Bilang layunin ni palenke.ph ang magsustena at mapalago ang bawat Negosyo ng kapwa nating Pilipino, tinulungan namin sila na mas makilala pa ang kanilang produkto dito sa Metro Manila sa pamamagitan ng aming website.
Sa gayon ay mas marami pang kapwa nating Pilipino ang matutulungan ng nasabing proyektong pangkabuhayan.
Maging kabahagi sa misyon ng Palenke.ph sa pagtulong at pagsuporta sa kapwa nating Pilipino. Atin na pong tangkilikin ang gawang atin.
Add to basket mo na ang Erick Coconut Shell Craft sa Palenke.ph.