Loading Contents
Processing Request
Terms & Conditions Privacy Help Tracking Location Map Create Article
Loading Contents
 
  • Close
Item successfully added to cart.
Are you sure you want to delete this item?
Are you sure you want to delete this post?
You have successfully rated this item.
Categories
 
DRAGON GRASS WALIS TAMBO
Palenke PH on July 07, 2022

Alam mo bang sa bawat pagbili mo ng walis tambo sa Palenke.PH ay magagawa mong matulungan ang mga kababayan natin sa Real Quezon?  


Isa sa mga proyektong pang-kabuhayan na sinusuportahan at tinutulungan ngayon ng Palenke.PH, ay ang Maragondon Dragon Grass SLP Association na matatagpuan sa Sitio Biga, Brgy. Maragondon Real, Quezon.  

Ito’y samahan ng mga kapwa nating Pilipino na miyembro ng programang 4Ps kung saan sila’y gumagawa ng Walis Tambo na siyang pangunahing pinagkukunan nila ng kabuhayan. 

Isa sa mga kasapi ng Maragondon Dragon Grass SLP Association at manggawa ng Dragon Grass walis tambo ay si Ms. Leony Sepillo. Kanyang ikinwento sa Team Palenke.PH kung paanong nagsimula ang Marogondon Dragon Grass SLP Association Livelihood Project at kung paano ang proseso ng paggwa ng mga walis, at kung paanong patuloy na nakakatulong ang proyektong pangkabuhayan na ito sa kanilang pamumuhay. 

Ayon kay Ms. Leony, bago pa man maitatag ang nasabing asosayon, ay gumagawa na ang mga residente ng Brgy. Maragondon sa Real Quezon ng walis tambo. Ang bulaklak ng halamang Dragon Grass ang siyang pangunahing materyales na kanilang ginagamit sa paggwa ng walis. Ito ay inaani nila isang beses laman sa isang taon kaya naman isang beses sa isang taon lamang sila nakagagawa ng mga walis. 

At dahil sa kakulangan sa puhunan at kakayahang masustena ang mga pangangailangan at materyales sa paggawa ng walis tambo, ay hindi ito napapalago ng mga manggagawa. 

Sa tulong ng MSWD ay nabuo ang Maragondon Dragon Grass Association at nabigyan ng puhunan sa paggawa ng walis tambo ang 56 na mga miyembro nito. Ito ang naging kapital ng bawat kasapi upang masimulan ang nasabing proyektong pangkabuhayan. 

Sa ngayon, 3,000 -4,000 na bilang ng walis tambo ang kanilang nagagawa kada taon at ito’y ibinebenta nila sa mga karatıg barangay at malalapit na lugar sa Real Quezon. Ang perang kanilang kinikita mula sa paggwa ng walis tambo ay ginagmit din naman nilang pang-puhunan sa iba pang alternatibong pang-kabuhayan tulad ng pagbebenta ng bigas, karneng baboy at pagpapa-renta ng mga tables & chairs. 

Ayon din kay Ms. Leony, malaki ang naitutulong ng proyektong pangkabuhayang ito sa pamumuhay ng mga tulad nilang walang sapat na pinagkukunan ng kabuhayan noon at ang tanging munting hiling lamang ng mga kababayan nating miyembro ng Maragondon Dragon Grass SLP Association, ay matulungan silang madala sa mas malaking merkado ang produkto nilang walis tambo. 

Kaya naman narito ang Palenke.PH upang tulungang masuportahan ang mga kababayan nating manggagawa ng walis tambo na mas makilala pa sa merkado ang kanilang gawang-kamay na produkto ng sa gayon ay mas marami pang kapwa Pilipino ang matulungan ng nasabing proyektong pangkabuhayan. 

 


Maging kabahagi sa misyon ng Palenke.PH sa pagtulong at pagsuporta sa mga kapwa nating Pilipino.  Atin na pong tangkilikn ang gawang atin. 

Add to basket mo na ang Dragon Grass Walis Tambo sa Palenke.PH

  • Home
  • Categories
  • Location
  • Message Us